MAG-AARTISTA na rin si Maureen Wroblewitz dahil pumirma siya ng kontrata sa Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at director Erik Matti. Mommy at manager ni Maureen ang kasama niyang pumirma ng kontrata.

Ipinost ni Maureen ang photos ng kanyang contract signing na may caption na, “so excited to be working @realityentertainment. Stay tuned!”

Marami ang nag-congratulate kay Maureen na sa ngayon, sa Eat...Bulaga muna napapanood, pero ‘pag gumawa na siya ng pelikula, pati sa big screen, mapapanood na rin si Maureen.

Sabi naman ng caption ni Direk Erik: “We have a new muse @realityentertainment, welcome to our humble production house, @mauwrob. Now, what movie should we do now?”

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

May nagre-request na kunin din ng Reality Entertainment si Juan Karlos Labajo para ipareha kay Maureen at tiyak daw na matutuwa ang kanilang shippers.

-Nitz Miralles