Mga Laro sa Lunes
(JCSGO Gym
1:00 n.h. -- Batangas-EAC vs Family Mart-Enderun
3:00 n.h. -- CD14 Designs-Trinity vs SMDC-NU
PINABAGSAK ng Centro Escolar University ang Marinerong Pilipino, 93-76, para hilahin ang winning streak sa anim sa 2019 PBA D-League nitong Martes sa JCSGO Gym sa Cubao.
Pinamunuan ni Senegalese center Maodo Malick Diouf ang Scorpions sa dominanteng fourth period kung saan naitala nila ang kabuuang 32 puntos para tuldukan ang panalo.
Kumana si Diouf ng 22 puntos, tampok ang 10 sa final period.
Humugot din siya ng 19 rebounds, tatlong assists, at tatlong steals upang pangunahan ang CEU sa panalong nagpatibay sa kanilang pamumuno sa Foundation Group.
Nag-ambag si Keanu Caballero na may 17 puntos, anim na assists, tatlong rebounds, at dalawang steals kasunod si Tyron Chan na may 15 puntos,pitong rebounds at tatlong assists.
“We just got to be ready for every situation. Marinero was able to catch up and get the lead, but we’re able to regroup, kept our poise, and played defense. That’s what has been keeping us to where we are,” pahayag ni CEU coach Derrick Pumaren.
Nagtapos na leading scorer si Anton Asistio para sa nabigong Skippers sa iniskor na 17 puntos kasunod si Kib Montalbo na tumapos na may 16 puntos.
Sanhi ng kabiguan, nalaglag ang Marinero sa patas na markang 3-3.
Samantala, kinapos lang ng isang puntos ang Cignal-Ateneo para mapantayan ang marka para sa pinakamalaking abante sa panalo nang durugin ang McDavid, 106-31.
Mistulang nagsagawa ng basketball clinic ang Blue Eagles, sa pangunguna ni Ivorian center Ange Kouame na kumana ng 16 puntos at 14 rebounds para sa matikas na 75 puntos na bentahe tungo sa ikaapat na sunod ng Ateneo.
Kumubra si Thirdy Ravena ng 16 puntos at tatlong rebounds, habang tumipa si Mike Nieto ng 11 puntos at tatlong boards.
Nangunguna ang Cignal-Ateneo sa Aspirants Group na may 6-1 karta.
Tangan ng Tanduay ang record na 76 puntos na bentahe sa 141-65 panalo kontra Zark’s Burgers noong July 10, 2017.
“As you go through a year, an offseason, a preseason campaign, your system should grow,” pahayag ni Ateneo coach Tab Baldwin.
“Today, we did use a couple of different things that we may or may not use but we teach our players some things that they can have in their arsenal. We may not run it very well but we’re exposing them in different types of offensive and defensive systems.”
Nanguna si Marlon Monte sa McDavid (1-5) na may 11 puntos.
-Marivic Awitan
Iskor:
(Unang Laro)
CEU (93) -- Diouf 22, Ke. Caballero 17, Chan 15, Fuentes 14, Lisbo 11, Abastillas 6, Formento 4, Uri 3, Rojas 1, Diaz 0, David 0.
MARINERONG PILIPINO (76) -- Asistio 17, Montalbo 16, Santillan 11, Victoria 8, Reyes 8, Apreku 6, M. Aquino 3, Bunag 3, Garcia 2, Bonifacio 2, A. Aquino 0, Wamar 0, Gamboa 0, Mendoza 0.
Quarters: 23-20, 40-34, 58-57, 93-76.
(Ikalawang Laro)
CIGNAL-ATENEO (106) -- Kouame 16, Ravena 16, Mi. Nieto 11, Berjay 9, Go 8, Daves 8, Credo 8, Ma. Nieto 6, Tio 6, Navarro 6, Mamuyac 4, Wong 3, Andrade 3, Belangel 2.
MCDAVID (31) -- Monte 11, Diputado 6, Gaco 6, Lozada 3, Sorela 3, Melano 2, Canada 0, Escosio 0, Colina 0.
Quarters: 31-5, 57-15, 90-28, 106-31.