“MINSAN mahirap pero kinakaya para sa pamilyang mahal. Kaya tayong mga pamilyang naiwan, mahalin natin at bigyan natin sila (Overseas Filipino Worker) ng halaga, dahil hindi natin alam ang hirap at sakit na dinadanas nila. ‘Yung iba pinalad pero ‘yung iba hindi. Mahalin natin sila. Buhay #OFWTheMovie. Soon. #thankuLORD,” ito ang caption ni Sylvia Sanchez sa mga litratong pinost niya sa kanyang social media.

Sylvia

Ang mga litratong ipinost ng aktres na naglilinis siya ng bahay ng among Arabo, kinukuskos ang hagdanan at dahil sa pagod ay nakatulog siya sa sahig.

Base rin sa mga narinig naming kuwento ng mga kakilala naming OFW sa nasabing bansa ay hindi raw talaga uso ang pahinga roon maliban lang kung matutulog ka na sa gabi. Inaabot sila ng 14 na oras sa trabaho kumpara sa atin na hanggang walong oras lang o depende sa usapan.

'Gusto ko proud sila:' Achievements sa buhay, iniaalay ni John Arcilla sa mga magulang

Pero kapag mabait ang amo ay masuwerte ang mga kababayan natin dahil may mga benepisyo sila, maayos na tulugan at pagkain.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay nasa Dubai pa rin si Sylvia para sa shooting ng pelikulang OFW: The Movie at isa ang aktres sa napiling gumanap sa success story ng Pilipinang OFW.

Nang maka-chat namin si Ibyang nu’ng isang araw ay nabanggit niyang nag-shooting kaagad siya pagdating sa Dubai kasi nga limitado lang ang oras nila.

True to life story ng isang OFW ang karakter na gagampanan ni Sylvia na ngayon ay nasa Pilipinas na at inaasikaso ang mga negosyong itinayo. At kung paano yumaman ang kababayang Pinay ay malalaman kapag ipinalabas na ang pelikula.

“Actually, isa lang ang kuwento ko sa ipapakita sa movie, limang istorya ito, isa lang ako sa lima,” saad ng hinirang na Best Actress sa 5th year Sinag Maynila para sa pelikulang Jesusa.

-Reggee Bonoan