Tahasang inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na hindi umano niya tinitingnan bilang isang pagkakamaling naging runningmate niya si Vice President Sara Duterte noong 2022 national elections.
Sa pakikipanayam ni PBBM sa Bloomberg Television kamakailan, inamin niyang noong mga panahong iyon, ang pagtakbo nilang dalawa ay ang “best” na gawin sapagkat pareho ang kanilang mga ideya pagdating sa usaping pampamahalaan.
“No, I don’t think so. I think for that time, that was the best thing that we do. We had the same idea what needed to be done in government,” saad ni PBBM.
Aniya, “Maybe that’s changed. But if you look at it in the context of that period, I think that was the right thing to do.”
Sinagot din ng Pangulo ang tanong kaugnay sa tsansang amyendahan ang “ties” sa pagitan ng pamilya Marcos at Duterte.
“Well, I don’t see it as a war. I’m not conducting any war or political war against anyone. I’m just trying to do my job. It is par for the course that you will be at that, that you’ll be criticized,” anang Pangulo.
Aniya pa, “Only I worry about is work. All worry about national development. All I worry about is sustainability. I worry about jobs, I worry about the economy. I worry about people’s lives, safety, etc.”
Matatandaang tumakbo si PBBM at VP Sara sa ilalim ng “UniTeam” noong 2022, kung saan pareho nilang naipanalo ang naturang halalan.