Hindi napigilang kiligin ng fans at supporters ng sikat na Kapamilya loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas kilala bilang "DonBelle" matapos magbahagi ni Donny ng isang sweet at playful na larawan nila sa social media.
Sa Facebook post ni Donny nitong Linggo, Mayo 31 makikitang magkasalo silang dalawa ni Belle sa isang pirasong bacon habang parehong nakangiti sa camera.
Caption ni Donny, “Ganito ba kumain ng bacon? HAPPY SUNDAY!!! ”
Agad namang umani ng reaksiyon ang naturang post mula sa mga netizen at DonBelle fans, na nagsabing tila mas lalo pang lumalabas ang natural na chemistry ng dalawa sa kanilang simpleng bonding moments.
Matatandaang ilang taon nang isa sa pinakasikat na love teams sa bansa ang tambalang DonBelle matapos magkasama sa mga proyektong tulad ng "He's Into Her," "Love Is Color Blind," at "An Inconvenient Love."
Pumatok din sa mga manonood ang kauna-unahan nilang teleserye together, ang "Can't Buy Me Love."
Mas lalo pang pinag-uusapan ngayon ang dalawa dahil sa kanilang pinakabagong pelikulang "Tayo Sa Wakas," na ipinalabas sa mga sinehan noong Mayo 27 at tumabo na sa higit 25 milyong piso. Itinuturing na mas mature na proyekto ito para sa tambalan at nagsisilbing pagbabalik nila sa big screen matapos ang ilang taon; iyon nga lang, medyo sad ang DonBelle fans dahil balitang ito na raw ang huling movie nila together.
Anyway, halos ulanin naman ng pagkakilig ang mga netizen sa ipinamalas na sweetness ng dalawa.
"hoyyyy WAAAAAHHHH grabe akong kilig oyyy HAHAHHAAHHAHA"
"Grabe pagpapaiyak nyo sakin!"
"ganyan pala dapat para mas matamis"
"Sana all may kasamang kumain ng bacon Donny"
"tumatapang si idol nakooooo"
"ganyan pala dapat kumain ng bacon"