May 31, 2026

Home FEATURES

Literal bang kulay bughaw ang Blue Moon?

Literal bang kulay bughaw ang Blue Moon?
Photo courtesy: Unsplash


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Moon o Buwan—ang nag-iisang natural satellite ng Earth—ay tila may iba-ibang bersyon.

Nariyan ang Blood Moon, Super moon, Harvest Moon, at iba pa.

Pero isa na yata sa pinakatanyag na bersyon nito ay ang “Blue Moon.”

Nito lamang Linggo, Mayo 31, bandang 4:45 ng hapon, lumabas ang Blue Moon batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ano nga ba ang Blue Moon?

Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), ang blue moon ay lumilitaw kapag nagkaroon ng dalawang full moon sa loob ng isang buwan.

Ang cycle kasi ng Buwan ay umaabot sa 29.5 na araw, at ito ay mas maiksi kung ikukumpara sa normal na buwan na may 30-31 araw.

Human-Interest

‘Say cheese!’ Paano magkaroon ng ‘instagrammable’ smile at pose sa mga litrato?

Dahil dito, nagkakaroon ng gap sa paglitaw ng full moon, kung kaya’t madalang ang paglitaw ng dalawang full moon sa isang buwan.

Batay sa impormasyong binanggit ng NASA, lumalabas na aabot sa dalawa hanggang tatlong bago ito maganap.

Bago ang blue moon nitong Mayo 31, ang huling blue moon ay naganap noon pang Agosto 31, 2023.

Kulay bughaw ba ang Blue Moon?

Base sa paliwanag ng NASA, hindi literal na kulay bughaw ang buwan tuwing blue moon.

Ito lamang ang ginagamit na termino upang ipaliwanag ang dalawang full moon sa kada isang buwan.

Mangyayari bang magiging kulay bughaw ang Buwan?

Sa paliwanag ng NASA, sa bibihirang pagkakataon, maaaring lumitaw ang Buwan na kulay bughaw bunsod ng maliliit na particles sa hangin—na kadalasa’y usok o alikabok—na kayang ikalat papalayo ang “red wavelength” ng liwanag, na magbibigay ng ilusyong kulay bughaw ang buwan.