May 31, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Paano mapapangalagaan nang tama ang pandinig?

ALAMIN: Paano mapapangalagaan nang tama ang pandinig?
Photo Courtesy: Pexels

Pagpatak ng huling araw ng Mayo taon-taon, ginugunita ang National Save Your Hearing Day upang magsilbing paalala sa lahat kung paano maiiwasan ang tuluyang pagkawala ng pandinig.

Ayon sa tala ng World Health Organization (WHO), umaabot umano sa higit 430 milyong katao ang nawawalan ng pandinig at tinatayang kalahati sa mga ito ay maiiwasan naman.

Kaya paano nga ba mapapangalagaan ang pandinig upang hindi humantong sa tuluyang pagkabingi?

1. Magsuot ng proteksyon

Gumamit ng earmuffs o earplugs sa mga lubhang maiingay na lugar gaya ng concert o industrial workplace. Nakakatulong ito para protektahan ang pandinig mula sa malalakas na ingay.

Lifehacks

Sakay na! Paggamit ng e-bike, may benepisyo o perwisyo?

2. Kontrolin ang volume ng earbud o headphone

Ang simpleng pagkontrol sa volume ng earbud o headphone kapag gumagamit nito sa pakikinig ng kanta o panonood ng pelikula ay makakatulong na para mapangalagaan ang pandinig. Panatilihin lang sa tamang antas ang tunog ng earbud o headphone. Base rekomendasyon ng mga eksperto, sapat na ang 60% volume.

3. Ipahinga ang tenga

Bigyan ng pagkakataon ang tenga na makapagpahinga matapos ang mahabang exposure sa ingay. Halimbawa, kung matagal na nakasalpak ang earbud bilang bahagi ng trabaho, tanggalin muna nang ilang oras. Maximum na tagal umano ng pagkakasalpak ng earbud ay isang oras lamang.

4. Huwag pasukan ng kung ano-ano ang tenga

Huwag pasukan ng cotton swabs o hairpin ang loob ng tenga. Posible kasing mapinsala nito ang eardrum at mas lalo lang pumasok sa loob ng tenga ang tutuli.

5. Panatilihing tuyo ang tenga

Kada matatapos maligo o lumangoy, gumamit ng malinis na tela upang patuyuin ang tenga upang maiwasan ang bacterial infections.

6. Mag-ehersisyo

Ang regular na pag-eehersisyo ay nakakatulong upang magkaroon ng maayos na blood circulation sa inner ear cells, dahilan para magkaroon ng maayos na pandinig. 

7. Magpakonsulta sa espesyalita

Magpatingin sa otolaryngologist o doktor na nakatuon ang espesyalisasyon sa paggamot ng tenga, ilong, at leeg. Sa ganitong paraan, matutukoy ang maging posibleng pagbabago sa pandinig.

8. Huwag humiram ng earphone o earplug

Huwag gamitin ang earphone o earplug ng ibang tao dahil posibleng maipasa ang bacteria, fungi, at tutuli na nakakapagtaas ng panganib na magkaroon ng ear infection tulad ng otitis externa o swimmer’s ear.

9. Kontrolin ang stress

Salik din umano ang stress upang mapinsala mapinsala ang pandinig at magkaroon ng tinnitus. Ang tinnitus ay persepsyon ng tunog o ugong na nililikha ng tenga at hindi mula sa ingay sa labas.

10. Balansehin ang diyeta

Kumain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin B12 at Zinc gaya ng spinach, lettuce, cabbage, shellfish at itlog eggs upang mapanatili ang auditory function.