May 31, 2026

Home BALITA Probinsya

Tatlo pang bangkay, narekober mula sa pagguho sa Pampanga

Tatlo pang bangkay, narekober mula sa pagguho sa Pampanga
Photo courtesy: Angeles City Information Office (FB)

Nakapagrekober ng tatlo pang katawan ngayong hapon ng Linggo, Mayo 31, ang mga awtoridad mula sa gumuhong nine-storey building kamakailan. 

Ayon sa Angeles City local government unit (LGU) ang isa sa mga labi ay katawan ng isang babaeng biktima, na narekober mula sa Quadrant 3, Sector 2 ng guho, bandang 2:51 ng hapon. 

Ang ikalawa ay narekober mula sa kaparehang lugar bandang 3:43 ng hapon. 

Habang ang ikatlo ay narekober naman sa Quadrant 2, Sector 1, bandang 4:33 ng hapon. 

Sa kabuoan, may kumpirmadong 10 casualties mula sa trahedyang pagguho ng gusali. 

Probinsya

Ikapitong nasawi sa pagguho sa Pampanga, natagpuan na!

Ayon pa sa LGU, lahat ng nakuhang labi ay agad na nai-turnover sa City Health Office para sa proseso ng pagkakakilanlan at dokumentasyon o Disaster Victim Identification (DVI).

Sa kasalukuyan, patuloy ding nakatutok si Angeles City Mayor Jon Lazatin sa sitwasyon sa Search, Rescue, Retrieval, and Clearing Operations sa lugar ng pagguho. 

KAUGNAY NA BALITA: Ikapitong nasawi sa pagguho sa Pampanga, natagpuan na!

KAUGNAY NA BALITA: 9-storey building sa Pampanga, gumuho; ‘rescue and retrieval,’ masusing isinasagawa