May 31, 2026

Home BALITA Probinsya

Ikapitong nasawi sa pagguho sa Pampanga, natagpuan na!

Ikapitong nasawi sa pagguho sa Pampanga, natagpuan na!
Photo courtesy: Angeles City Information Office (FB)

Narekober ng mga awtoridad ang isa pang katawan mula sa gumuhong gusali sa Balibago, Angeles City, Pampanga, ngayong Linggo, Mayo 31. 

Ayon sa ulat ng Angeles City local government unit, ang labi ay narekober ng search and retrieval team bandang 7:50 ng umaga nitong Linggo mula sa bahagi ng quadrant 2 ng gumuhong gusali. 

Saad pa ng LGU, kaagad na isinailalim sa maingat na proseso ng pag-tag at dokumentasyon ng City Health Office ang mga labi bilang bahagi ng Disaster Victim Identification (DVI) protocol upang matiyak ang tamang pagkakakilanlan ng mga biktima. 

Ayon kay Angeles City Mayo Jon Lazatin, iniulat din ng Unified Command na may natagpuan ding vaccination card na may nakasulat na pangalan na posibleng makatulong sa pagkilala sa naturang biktima. 

Sa kasalukuyan, pito na ang naitalang nasawi mula sa trahedyang pagguho. 

Probinsya

Kanlaon, 3 minutong nagbuga ng abo!

Patuloy ding isinasagawa ang search and rescue, retrieval, at clearing operations upang hanapin ang iba pang posibleng biktima na naipit sa ilalim ng gusali. 

Matatandaang isang linggo na ang nakararaan ng maunang iulat ang pagguho ng gusali. 

MAKI-BALITA: 9-storey building sa Pampanga, gumuho; ‘rescue and retrieval,’ masusing isinasagawa