MALIMIT magkaaberya ang shooting ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards for Star Cinema sa Hong Kong dahil sa laging pagsugod ng fans sa mga location ng shoot, na sinasabayan pa ng madalas na pag-ulan sa Hong Kong. Lagi kasing exterior ang mga kinukunan nilang eksena, kaya napipilitan silang huminto ng shooting.

Cathy Garcia- Molina HLG copy

Ngayon lang nakasama at naidirek ni Direk Cathy Garcia- Molina si Alden pero hindi siya nakapigil na mag-comment tungkol sa actor: “’Di ko pa napanood mga shows niya dati, pero first take pa lang namin, napahanga agad niya ako. Mahusay ang atake. Mata pa lang nangungusap na. ‘Di kami nagkamali na kunin ang serbisyo niya. At super bait na bata. Wala akong masabi.”

Nagpasalamat naman ang netizens na nakabasa sa tweet ni Direk Cathy. “Thank you Direk CGM for the kind words. Glad Alden comes up to your expectations,” sabi ng isang user.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Sarap naman pakinggan. Coming from the director herself.We are proud of you Tisoy. Thank you Direk Cathy for the kind words,” hirit naman ng isa pa.

“ A s a l w a y s walang t a o na nakatrabaho niya na hindi siya na-appreciate. P r o f e s s i o n a l at work with a good heart,” pagmamalaki namang sabi ng isa pang fan.

S a H o n g K o n g n a magpapalipas ng Holy Week sina Alden, Kathryn at ang buong production staff dahil susubukan nilang tapusin nang lahat ang shooting ng mga eksena roon bago bumalik ng Pilipinas.

Kailangan namang bumalik ni Alden sa Pilipinas dahil sa April 26 na ang opening ng kanyang McDonalds food chain sa Biñan Highway, sa Laguna

-NORA V. CALDERON