MAPAPANOOD ang maaksiyong tagpo, tampok ang pinakamahuhusay na gamefowl sa bansa sa paglarga ng 2019 World Slasher Cup 2 sa Mayo 27 hanggang Hunyo 2.

PATOK sa takilya ang World Slasher Cup.

PATOK sa takilya ang World Slasher Cup.

At bilang regalo, ipinahayag ng WSC Derby Office ang pagbibigay ng diskwento sa tiket para sa mga tagapagtangkilok ng pinakamalaking sabong event ngayong taon sa Smart Araneta Coliseum.

Ang WSC 2 ticket discounts ay makukuha sa gagawing promos, tulad ng ‘Early Bird’ kung saan nakalaan ang 10% discount para sa sabong fans kung bibili sila ng ticket simula Abril 8 hanggang 30. Ang Patron ticket ay (1,620) sa dating presyo na P1,800, habang ang Upper Box ticket ay P1,080 mula sa dating presyo na P1,200.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Sa Loyalty promo, nakalaan ang diskwento mula May 27 hanggang June 2. Mabibili ang Patron tickets para sa kabuuan ng laban sa halagang P9,000 (P10,800); habang ang Upper Box tickets ay P6,000 (P7,200).

Mabibili na ang tickets sa Ticketnet box office, sa tabi ng Yellow Gate ng Smart Araneta Coliseum; gayundin sa www.ticketnet.com.ph.

Nitong Pebrero, nagkampeon si American Cris Copas ng Kentucky at ang pakner niyang si dating WSC champ Claude Bautista ng CPB group Mindanao. Inilaban nila ang mga lahing Kelsos, Roundheads at Sweaters.

Bumuntot sa kanila ang Team Alcala na may walong puntos para sa Birthday Gift 1 and 2 entries; Belle Almojera ng Florida, at Santi Sierra ng Cebu na may 7.5 points. May 7 points naman ang dating kampeo na si Nene Araneta, Biboy Enriquez, at 7-time WSC champ at cockfight idol Patrick Antonio; WSC loyals Jomel Gatlabayan and RGBA Friends, Jimmy Junsay, Doc Marvin Rocafort, art Cris/Paolo Mercado.

Bukas na pagpapatal ng lahok sa World Slasher Cup official website www.worldslashercup.ph; at Derby Office via 588-4000 local 8227, or 911-2928. Hindi ponapayagan sumabak ang Hennies