HINDI lamang sa sports nakatuon ang programa at resources ng Cebuana Lhuillier Foundation Inc. (CLFI), kundi sa edukasyon ng kabataang Pinoy.

Sinisiguro ng CLFI, sa pamumuno ni president at CEO Jean Henri Lhuillier, na maaabot ng edukasyon ang mga kabataang Pinoy, higit sa mga lalawigan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng classrooms, learning center, at conference rooms.
Kipkip ang pilosopiya na “Always Love Schooling”, ipinaglalaban at binibigyan ng halaga ni Lhuillier ang sports at education.
“The foundation has always espoused the company’s and my personal advocacy of continuing the pursuit of learning, I am more than elated to see this advocacy into fruition through the foundation’s many extensive efforts on education,” pahayag ni Lhuillier.
Sinimulan ang programa noong 2013 ,matapos ang pakikipagkaisa sa Education (DepEd), ang ALS program na nagtatampok sa out-of-school youth at adults.
Kabilang sa pagtuturo ang Financial Literacy, ICT Competitiveness, Livelihood, Disaster Resilience, and Sports Development.
Nagbibigay din ang ALS ng Cebuana Lhuillier ng babala sa publiko para maproteksyunan ang kanilang buhay at kanilang kagamitan.
Agresibo rin ang Lhuillier sa sports kung saan patuloy ang pagtanggap ng tagumpay sa Philippine baseball at softball, gayundin ang tennis na personal na sinusubaybayan ng sportsman/businessman.