BINAWI ng National University ang titulo sa men’s division matapos talunin ang Ateneo, 3-1 kahapon sa UAAP Season 81 men’s lawn tennis tournament finals sa Colegio de San Agustin courts sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Tinapos ng Bulldogs ang best-of-three series sa iskor na 2-1, para makamit ang kanilang fifth overall crown.

Kinumpleto din ng Bulldogs ang matagumpay na pagbabalik makaraang lumiban sa pagsali noong nakaraang season gayundin ang double championships na huli nilang nagawa noong 2016.

Nauna ng nagkampeon ang kanilang womens team sa pangunguna ni Season MVP Clarisse Patrimonio.

Tinapos ng doubles tandem nina Jeric Accion at Justine Prulla ang laban para sa Bulldogs, matapos itala ang 6-3, 6-1 panalo laban kina Julian Dayrit at Bong Gonzales sa second doubles.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Naunang nanalo para sa NU si Season MVP Wilson Oblea kontra kay Gab Tiamson 7-6, 3-6, 7-6 (7)sa opening singles, na sinundan ng tagumpay nina Rookie of the Year winner Rucel Cero at AJ Alejandre laban kina Luke Flores at Erj Gatdula, 2-6, 7-6, 7-6 (8) sa first doubles.

Napigilan ng Blue Eagles ang shutout win nang makasingit sila sa second singles sa pamamagitan ng panalo ni Marcen Gonzales, laban kay Allen Manlangit, 6-3, 1-6, 7-5.

-Marivic Awitan