LIPA CITY, Batangas – Nauwi sa trahedya ang excursion ng isang pamilya nang malunod ang isang 5-anyos na lalaki sa swimming pool ng isang resort sa Lipa City, Batangas, nitong Sabado ng gabi.

LUNOD

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nakilala ang nasawi na si Carl Keiron Belen, ng nasabing lungsod.

Ang bangkay ni Belen ay natagpuan ng kamag-anak nito na lumulutang sa apat na talampakang pool sa Log House Resort, Bgy. Bulacnin, ng nabanggit na lungsod, dakong 6:45 ng gabi.

Hinihintay pa ng mga awtoridad ang magiging hakbang ng pamilya ni Belen laban sa mga may-ari ng nasabing farm resort.

Probinsya

Sarangani Island sa Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.9 na lindol!

-Lyka Manalo