PINAGTATAKHAN ng ilang showbiz insiders ang bonggacious na lifestyle ng isang aktor, na magkano lang naman ang talent fee at hindi laging may regular show.

“Naku buong (network) nagtataka sa kanya (aktor), kung paano niya na-acquire lahat ng luho niya. Imagine, ilang sports car at big bikes ang kinukolekta bukod pa sa ang gara ng bahay niya. Yes, bongga ang bahay, eh, magkano lang naman kinikita niya?” sabi ng source.

“Bilang na bilang ni (direktor) ang show niya nu’ng nagkuwentuhan kami. Inisa-isa sa aming mga kausap niya ang lahat ng guestings niya, at hindi naman siya ganu’n kabenta sa mga show sa mga probinsya, kasi bukod sa mahal maningil ang manager niya, hindi naman kagalingan mag-perform. Actually pati acting wala rin, kaya ilang beses nate-take.

“Wala ring negosyo si aktor. Pati pamilya niya wala rin, sa kanya nga umaasa lahat, kaya saan nanggagaling ang pambili niya ng luho niya? Hindi mo naman masasabing kuripot, kasi kung ano ang latest na mga sapatos meron siya,” kuwento pa ng aming source.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Nabanggit din na idolo raw ng aktor si Daniel Padilla, na nagkokolekta ng mga mamahaling sasakyan.

“Iba naman si Daniel. Kita mo nga bago nakabili ng luho, nakailang pelikula, teleserye at commercials. At sobrang tipid ni Daniel, kita mo nga damit niya, hindi maporma sa sapatos maliban kung may event. Pati nga pananamit, naka T-shirt lang. ‘Tong si (aktor) ilang taon pa lang sa showbiz, bonggacious na ang lifestyle,” pahayag pa sa amin.

At least may idolo si aktor na gusto niyang sundan, at maganda iyon para sa kanya.

Wala rin kaming alam na may masamang bisyo ang aktor, na as of now ay napapanood sa telebisyon, pero hindi madalas, kaya talagang pag-uusapan ang mga luho niya.

-Reggee Bonoan