Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

12 p.m. - Petron-Letran vs UST

2 p.m. - SMDC-NU vs Metropac-San Beda

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

4 p.m. - Chadao-FEU vs Perpetual

Mapanatiling walang bahid ang kanilang imahe upang tumatag sa pamumuno sa kanilang grupo ang tatangkain ng University of Santo Tomas sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League sa pagtutuos nila ng Petron-Letran ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Tatlong linggong nabakante ang Growling Tigers matapos gapiin ang Go for Gold-CSB, 94-82 noong Marso 19 para sa ika-4 na sunod nilang panalo. Gayunman hindi nagsayang ng panahon ni coach Aldin Ayo para panatilihing palaban ang kanyang mga players.

Naniniwala si Ayo na hindi puwedeng balewalain ang banta ng Petron-Letran.

“Kilala ko itong Letran. Malakas na team din sila kaya kailangan talaga namin silang paghandaan.”

Magtutuos ang Tigers at ang Knights sa unang laro ganap na 12:00 ng tanghali.

Muling insasahang mamumuno sina rookie sensation Mark Nonoy at mga kapwa newcomers Rhenz Abando at Beninese forward Soulemane Chabi Yo sa tangkang pagsungkit ng Growling Tigers ng ikalimang sunod nilang panalo.

Sa panig naman ng Knights,tatangkain nilang bumangon mula sa natamong 64-83 paggapi nila sa Cignal-Ateneo noong Huwebes.

Inaasahan ni Petron-Letran coach Bonnie Tan na mag-i-step-up ang kanyang mga players sa pamumuno nina Alvin Pasaol, Jerrick Balanza, at Larry Muyang upang umangat sa 3-2 marka.

Sa isa iba pang laban, magtutuos ang mga Foundation Group squads na league top defensive team Metropac-San Beda (4-1) kontra winless pa ring SMDC-NU (0-4) sa ikalawang laro ganap na 2:00 ng hapon na susundan ng tapatan ng Chadao-FEU (2-3) at University of Perpetual (1-3) ganap na 4:00 ng hapon.

-Marivic Awitan