NAKAPAGTALA ng apat na sunod na panalo si Bonjoure Fille Suyamin ng General Trias City, Cavite sapat para maka abante sa 2019 ASEAN Age Group Chess Championship na gaganapin sa Hunyo 9-19 sa Mandalay City, Myanma.
Si Suyamin, Grade 3 pupil ng Del Rosario Christian Institute mula General Trias City, Cavite ay nagwagi kina Rian Edora sa round 8, Althea Zoellee Corpuz sa round 9, Angel Minabel San Juan sa round 10 at Spica Gonzales sa 11th at final round para makaipon ng kabuuang 7 points sapat para lumagay sa third place at makuha ang isa sa tatlong slot ng Myanmar ASEAN Age Group Chess Championship.
Si Kaye Lalaine Regidor ng Santa Rosa, Laguna ang nag reyna sa girls’ Under-10 divivision sa pagkamada ng 9.5 points habang nakamit naman ni Mecel Angela Gadut ng Candon City, Ilocos Sur ang solo second place na may 7.5 points.
“Nagpapasalamat po ako sa suporta ng parents ko (Ernie at Elizabeth Suyamin) po sa local at international chess tournament ko po saka sa iba pang mga tumutulong sa kampanya ko sa chess career ko po,” sabi ni Suyamin, top player ng General Trias City Chess Club sa gabay nina PH chess coach Ederwin Estavillo, General Trias City mayor Antonio “Ony “ Ferrer, incumbent 6th District congressman Luis “Jon-Jon” Ferrer IV, sports head Lhen Muralla Kempiz at Arnel del Rosario ng Del Rosario Christian Institute.
Nakilala sa chess world matapos manguna sa Young PH woodpushers na nagkamit ng four gold medals at two silver medals sa Thailand Pattaya Youth Chess Championship 2018 Standard competition na ginanap sa Bay Beach Resort Pattaya, Banglamung, Chin Buried sa Pattaya, Thailand sa nakalipas na taon