Hindi na nakapalag ng isang umano’y sextortionist nang dakmain ito sa isinagawang entrapment operation sa isang lodging house sa Iligan City, Northern Mindanao, nitong Martes.

SEXTORTIONIST

Ang suspek ay kinilala ni NBI chief Atty. Abdul Jamal Dimaporo, na si Charlton Remolio Balanay, 25, ng Purok 8-B, Barangay Santiago.

Natukoy na ang suspek ay naging drill master ng citizens’ army training (CAT) noong nag-aaral pa sila sa high school dalawang taon na ang nakaraaan kung saan nakilala nito ang 15-anyos na biktima hanggang sa sila ay magkasintahan.

"Within that two-year relationship nila, nagkaroon sila ng intimate relationship, minsan sinasaktan niya, lahat ginagawa niya sa bata na ‘yon,” ayon kay Dimaporo.

DepEd, nakiramay sa atletang pumanaw

Kamakailan, nakipaghiwalay umano ang biktima na tinutulan ni Balanay.

Nang malaman ni Balanay na nakipagrelasyon sa iba ang biktima at nagalit ito at binantaan pa na ikakalat ang maseselang litrato nito kapag hindi ito nakipagbalikan sa kanya.

Nang hindi sumunod ang biktima, ikinalat umano ng suspek sa mga kaibigan ng dating kasintahan ang mga hubad na larawan ng huli.

Naaresto ang suspek nang makipagkita sa kanya ang biktima sa isang lodging house sa nasabing lugar.

-Bonita L. Ermac