BATANGAS CITY – Nasawi ang isang retiradong doktor nang barilin ng hindi ito ng isang nakikilalang lalaki sa tapat ng kanilang bahay sa Batangas City, nitong Martes ng hapon.
Kinilala ni Batangas City Police commander, Lt. Col. Sancho Celedio, ang biktima na si Florencio Tolentino, 69.
Ang biktima na dating hepe ng Batangas ProvincialHealth Office ay binawian ng buhay habang ginagamot sa St. Camilus de Lellos Hospital, dahil sa tama ng bala sa mukha.
Kalalabas lamang umano ng biktima sa kanilang bahay at habang nakatayo sa kanilang compound sa Sitio Pulo, Barangay Bolbok ay pinaputukan ito ng baril ng isang hindi nakikiallang lalaki, dakong 5:00 ng hapon.
Matapos ang insidente, agad na tumakas ang suspek dala ang cal. 45 pistol na ginamit sa krimen.
Blangko pa rin ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng suspek, kaya’t nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon sa kaso.
-Lyka Manalo