TAGBILARAN CITY – Nadakip ng pulisya ang isa pang suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa 16-anyos na si Christine Silawan ng Lapu-lapu City.

Kinumpirma sa isang pulong balitaan sa Camp Francisco Dagohoy, ni Central Visayas Regional Director P/Brig. Gen. Debold Sinas ang pagkakadakip ng panibagong suspek bagamat hindi ito nagbahagi ng dagdag na impormasyon sa pagkakakilanlan ng suspek.

Base sa imbestigasyon, lumalabas na sangkot umano ang suspek sa pagpatay kay Silawan.

Marso 11 nang matagpuan ang bangkay ni Silawan sa isang bakanteng lote sa Lapu-lapu City.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Ayon kay Sinas hindi sila makapagbigay ng detalye dahil inihahanda pa ang kaso laban sa suspek.

Nakikipag-ugnayan na rin, aniya ang PNP sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa pagtatatag ng mga ebidensiya laban sa suspek.

Matatandaang una nang naaresto ang isang 17-anyos sa pagpatay kay Silawan.

-Dave Albarado