NAIS umangat sa world ranking ni WBO Asia Pacific Youth super featherweight titlist Joe Noynay kaya pipilitin niyang talunin si No. 3 Japanese Kosuke Saka para mahablot ang bakanteng WBO Asia Pacific junior lightweight crown sa Abril 20 sa EDION Arena Osaka, Osaka, Japan.

Kasalukuyang No. 10 si Noynay kay WBO super featherweight champion Masayuki Ito na isa ring Hapones at tinalo sa puntos si Saka noong kapwa bagito pa lamang sila noong 2012 kaya magandang pagkakataon sa 23-anyos na Cebuano kung patutulugin ang karibal.

Unang sumikat si Noynay nang palasapin ng unang pagkatalo si Chinese Jinxian Pan para mahablot ang WBO Asia Pacific Youth at WBC Silver super featherweight titles noong Disyembre 16, 2017 sa Zhongshan, China.

Naipagtanggol niya ang WBO Youth title sa puntos kay Mexican Hector Garcia at Chinese Qixiu Zhang via 8th round TKO sa mga depensa sa Pilipinas bago inalok na harapin si Saka.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

May rekord si Noynay na 16-2-1 a may 5 panalo sa knockouts kumpara kay Saka na may 18 panalo, 4 talo na may 15 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña