Patay ang siklista nang mabangga ng tricycle matapos na sumalungat sa one-way street sa Barangay Sto. Niño, Marikina City, iniulat ngayong Lunes.

ONE WAY_ONLINE

Grabeng sugat sa ulo at katawan ang ikinasawi ni Ariel Centeno, 48, shoe maker, ng Bgy. Tumana, Marikina City.

Agad namang nadakip ng mga tauhan ng Marikina City Police -Police Community Precinct 3 (PCP-3), na pinamumunuan ni Police Capt. Ariel Cambri, ang suspek na si Romano Tagle, Jr., 59, tricycle driver, ng 3 Alateres Street, Paradise, Bgy. Malanday, Marikina City.

Probinsya

Mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, kumpare raw ng mga biktima

Sa ulat ni Marikina Police chief, Police Col. Redrico Maranan sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) director, Police Chief Supt. Christopher Tambungan, naganap ang aksidente sa P. Burgos St., Bgy. Sto. Niño, dakong 6:15 ng gabi.

Sakay ang suspek sa kanyang tricycle at bumibiyahe sa P. Burgos St., na one-way, nang makasalubong ang biktima, sakay sa kanyang mountain bike, at sumalungat sa daloy ng trapiko.

Hindi umano napansin ng suspek na pumasok ang biktima sa naturang one-way lane kaya aksidente niya itong nabangga.

Dahil sa tindi ng pagkakabangga, tumama ang ulo ng biktima sa sementadong kalsada at nagtamo rin ng sugat sa katawan.

Isinugod si Centeno sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center, ngunit dead on arrival.

Nakakulong ang suspek sa Marikina City police at kakasuhan ng Reckless Imprudence resulting to Homicide.

-Mary Ann Santiago