MUKHANG magkakaroon ng comeback ang dynamic duo.

JACKIE

Bilang paggunita sa ika-65 kaarawan ni Jackie Chan nitong Linggo, nag-post ang matagal na niyang kaibigan at co-star na si Chris Tucker ng mga larawan sa Instagram — at mukhang may ibig sabihin ang isa mga litrato.

Dahil sa larawan na magkasama sina Chris at Jackie at nakamustra ng four (sa mga daliri), ay naglabasan ang mga espekulasyon na maaaring magkaroon ng ikaapat na sequel ang classic movie series na Rush Hour, ayon sa People.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kilala ang pares sa kanilang pagganap bilang ang cop duo na sina Chief Inspector Lee at Detective James Carter sa naturang blockbuster series — na ang unang installment ay inilabas noong 1998. Tinanggap ng masa ang pelikula kaya nasundan pa ito ng Rush Hour 2 at Rush Hour 3.

Sa kasalukuyan, 12 taon makalipas ang huling installment, matiyaga pa ring naghihintay ang fans para sa susunod na sequel, lalo na dahil ilang taon na rin itong usap-usapan.

Noong January, ibinunyag ni Chris na ginagawa na ang Rush Hour 4.

“It’s not in pre-production. We’re working on a few things [for] the script. Jackie wants to do it. I want to do it. The studio wants to do it,” aniya sa Winging It podcast, hosted by NBA stars Vince Carter at Kent Bazemore, ayon sa Ebony.com.

“We’re trying to get it together. It looks like it’s getting together right,” sabi pa ng aktor.

Two years ago, kinumpirma rin ni Jackie na ipinoproseso na ang Rush Hour 4 nang kapanayamin sa Power 106 Los Angeles.

“[It’s coming] next year,” sabi ni Jackie sa outlet noong 2017. “For the last seven years, we’ve been turning down the script, turning down the script. Yesterday, we just agreed.”

“It’s about [having] time to make it,” paliwanag ng Chinese actor. “Otherwise, Rush Hour 4, we’re all old men. I tell Chris Tucker, ‘Before we get old, please do Rush Hour 4.”

And from the looks of this recent picture, he just might have agreed, but we’ll just have to wait and see.