Muli na namang nakasamsam ang pulisya ng 40 bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng P300 milyon sa bahagi ng baybaying-dagat  ng Burgos, Surigao Del Norte, nitong Linggo ng hapon.

COCAINE download (17)

Sa report ng Surigao del Norte Provincial Police Office, ang naturang iligal na droga ay natagpuan ng mga mangingisda, dakong 4:30 ng hapon.

Agad namang nag-inspeksyon ang pulisya sa bisinidad ng lugar sa posibilidad na makarekober pa ng illegal drugs.

Nakita rin ng pulisya ang markings na “Bugatti” sa bloke-bloke ng cocaine na natagpuan sa Barangay Pacifico, San Isidro ng nasabing lalawigan, nitong nakaraang Pebrero.

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!

Sa pagtaya ng Police Provincial Office sa lugar, aabot sa P300 milyon ang halaga ng nasabing iligal na droga.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso upang matukoy ang sindikatong may pakana nito.

-Jun Fabon at Fer Taboy