CAMP ELIAS ANGELES, Pili, CamSur – Dalawa na namang kaanib ng New People’s Army (NPA) ang napatay nang makasagupa nila ang tropa ng pamahalaan sa Mandaon, Masbate, kaninang madaling araw.

REBELDE download (17)

Sa pahayag ni 9th Ifantry Battalion (IB) Spokesperson Capt. Joash Pramis, inaalam pa ng kanyang mga tauhan ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawing rebelde sa naganap na bakbakan sa Barangay Buri, dakong 1:55 ng madaling araw.

Nasamsam din aniya ng militar ang isang M16 assault riddle, isang cal. 45 pistol at iba pang personal na kagamitan ng mga rebelde.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

"Sa ngayon, hindi pa available ‘yung identities ng namatay na rebelde. Kinukuha pa ng tropa na nasa ground. Latest info, wala pong naitalang sugatan sa government forces," pagdidiin nito.

Sa ulat naman ng Masbate Police Provincial Office (PPO), nasa anim lamang sa kilusan ang nakasagupa ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)- Masbate, 1st Police Mobile Force Company, at Provincial Intelligence Bureau ng Masbate at Mandaon Municipal Police Stations na ikinasawi ng dalawang rebelde.

-Niño N. Luces