NASULAT namin dito sa BALITA kamakailan na isa si Kathryn Bernardo sa gusto ng fans na maging Darna noon, pero si Liza Soberano ang napili. At ngayong tumanggi na ang huli ay nabuhayan ulit ng loob ang supporters ng girlfriend ni Daniel Padilla.

Kathryn

Pero sa panayam kay Kathryn ng ilang katoto ay nabanggit niyang kahit gusto niya ang karakter ay naniniwala siyang hindi ito para sa kanya.

“It's not for me, dream lahat ng babae siguro na maging si Darna, pero, siguro, it's not for me kasi hindi porke't gusto mo ‘yung role, puwede siya sa iyo.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"For me, may binabagayan siya, and ‘yung nai-imagine, napipiktyuran ko as Darna is someone who's a bit older than me.

"And kapag sinabi mong Darna, parang nai-imagine ko talaga ngayon si Ate Angel (Locsin),”saad ng aktres.

Actually, hindi lang si Kathryn ang may gustong dapat si Angel pa rin ang gaganap na Darna kundi halos lahat sa showbiz at netizens, pero muling nagsabi ng, “NO!” ang bida ng The General’s Daughter kaya malabo na talagang siya ang gumanap.

May nakausap naman kami na base sa survey ay naglalaban sina Nadine Lustre at Pia Wurtzbach sa role dahil parehong nagtataglay ng Pinay beauty ang dalawa na naaayon sa karakter na Narda.

Going back to Kathryn, inaabangan naman ng supporters nila ni DJ ang bago nilang movie project pagkatapos ng The Hows of Us.

-Reggee Bonoan