NAG-post si Sharon Cuneta tungkol sa panganay niyang si KC Concepcion, kaya natanong tuloy ng kanyang followers kung bati na sila ng ex-husband niya at ama ni KC na si Gabby Concepcion.

Sharon Cuneta copy

Ipinost ni Sharon ang pictures nila ni KC Concepcion at nabanggit niyang namana ng kanyang panganay ang “perfectly handsome face” ng dating asawa.

“The very best project/ production of Sharon & Gabby. She got her Pa’s perfectly handsome face, and most everything else from Ma. @ itskcconcepcion.“

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

May nagtanong kay Sharon kung bati na sila ni Gabby.

“No pa nga, eh. Hayaan na natin, buti na ganito,” sagot ni Sharon.

Pero dahil nabanggit ni Sharon si Gabby sa huli niyang post, bumalik ang pag-asa ng Sharon- Gabby fans na magkakabati pa rin ang dalawa at matutuloy ang kanilang reunion movie.

Samantala, nakabalik na si Sharon mula sa kanyang US and Canada tour, kung saan, guest niya si KC. Magre-resume na siya ng shooting ng Reality Entertainment movie na Kuwaresma, na ipalalabas na next month.

Si Erik Matti ang direktor ng Kuwaresma, at katambal ni Sharon si John Arcilla—na pinanood ang concert ni Sharon sa Glendale, California at nagbigay ng maganda at blow-by-blow review.

May nabanggit si Sharon: “My goodness if all new plans push through, you—and pati ako, masu-surprise! Hahahaha.”

Kaya maraming aabangang projects ni Sharon ang kanyang fans, but of course, ang pinakahihintay ng fans nila ni Gabby ay ang muli nilang paggawa ng pelikula.

-NITZ MIRALLES