Inaresto ang chief executive officer at pangulo ng isang transport company at isang driver na kapwa inireklamo ng robbery-extortion, sa Ermita, Maynila nitong Huwebes.

TSUPER_ONLINE

Hawak na ng mga tauhan ng District Intelligence Division (DID) ng Manila Police District (MPD) sina Rowena Mazo, 46, pangulo at CEO ng Brilliant 8 Star Transportation, at residente ng 73 Saturn Street, Constellation Homes, Caloocan City; at Generoso Reyes, 58, driver, at residente ng 73 Saturn Street.

Ayon sa MPD, na pinamumunuan ni Police Brig. Gen. Vicente Danao, inaresto ang suspek sa entrapment operation sa loob ng isang fastfood chain sa Taft Avenue, kanto ng Pedro Gil St., bandang 4:00 ng hapon.

Sa reklamo ng complainant na si Manan Disalongan, driver, hiningan siya ng mga suspek ng pera para sa prangkisa ng kanyang UV Express.

Politics

'Politika there, politika here, politika everywhere! Only in the Philippines!—Sen. Robin Padilla

Nagbanta pa umano ang mga suspek na kung hindi siya magbibigay ay isusuplong siya ng mga ito sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO).

Nagsumbong si Disalongan sa mga pulis, at inaresto ang mga suspek sa aktong inaabot ang P5,000 marked money.

Kakasuhan ang mga suspek sa paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code (RPC) (Robbery Extortion).

-Mary Ann Santiago