May 22, 2026

Home BALITA

Lalaki, hinukay bangkay ng kapatid para makapag-withdraw sa bangko!

Lalaki, hinukay bangkay ng kapatid para makapag-withdraw sa bangko!
Photo courtesy: Contributed photo

Isang lalaki ang agaw-eksena matapos hukayin ang bangkay ng kaniyang kapatid at dalhin ito sa isang bangko, makaraang hindi siya payagang mag-withdraw ng pera nang walang death certificate.

Kinilala ang lalaki na si Jitu Munda, mula sa isang kinikilalang tribal community sa estado ng Odisha sa India. Noong Lunes, Abril 27 nang nagtungo siya sa Indian Overseas Bank upang kunin ang pera sa account ng kaniyang yumaong kapatid.

Gayunman, ipinaalam umano ng mga kawani ng bangko na hindi pinapayagan ang pag-withdraw ng ibang tao nang walang kaukulang pahintulot at dokumento.

Bunsod umano ng pagkadismaya, bumalik si Munda sa naturang sangay bitbit ang mga labi ng kaniyang kapatid na inilibing pa lamang nila ng ilang araw. 

Nakuha pa sa video na ipinalabas ng mga lokal na telebisyon ang lalaki na pasan ang tila bangkay na bahagyang nakabalot sa plastik, habang nakalantad ang mga buto ng mga binti nito.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

"This created a highly distressing situation at the premises," ayon sa pahayag ng bangko.

Dagdag pa ng bangko, ang insidente ay bunsod umano ng kakulangan sa kaalaman sa proseso at hindi pagsunod sa itinakdang patakaran.

"The claim will be settled on priority, once the death certificate is submitted," paliwanag pa nito.

Sa India, obligado ang rehistrasyon ng kapanganakan at pagkamatay. Gayunpaman, nananatili ang kakulangan sa dokumentasyon lalo na sa mga rural na lugar, na nagiging sanhi upang maraming pamilya ang walang pormal na sertipiko.

Samantala, hindi na natukoy kung nakakakuha pa nga ba ng pera ang lalaki mula sa naturang viral na video.