Ipinasisibak ang hepe ng pulisya sa Koronadal City, South Cotabato at walo niyang tauhan makaraang mag-viral sa social media ang video ng mga pulis na nag-iinuman at nagsusugal sa loob ng presinto.

SACKED

Ipinag-utos na ni Police Regional Office (PRO)-12 director Brig. Gen. Eliseo Rasco ang pagsibak sa puwesto kay Lt. Col. Benjiel Kirby Bajo at walo nitong tauhan habang iniimbestigahan ang mga ito sa pag-iinuman at pagsusugal sa loob ng presinto ng Koronadal City Police.

Iniutos ni Rasco ang agaran at masusing imbestigasyon sa video, na sinasabing kinunan ng isang local radio reporter at nag-viral sa social media.

Kasalukuyang nasa regional police holding center ng PRO-12 sa Koronadal ang siyam na pulis.

Politics

Mayor Baste, bagong pangulo ng PDP Laban

Sinisiyasat naman ni South Cotabato Police Provincial Office director Col. Robert Limson ang administrative at criminal liability ng mga sinibak na pulis.

-Joseph Jubelag