Arestado ang isang pulis-Makati sa buy-bust operation sa nasabing lungsod, ngayong Biyernes.

MAKATI COP_ONLINE

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinilala ang suspek na si Police Staff Sergeant (PSSg) Chris Mateos Marquez, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Police Security and Protection Group (PSPG) ng Makati City Police.

Sa inisyal na ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni Police Major Gideon Ines, Jr., sa bahay ng suspek sa No. 132 East Rembo, Fort Bonifacio sa Makati City, nitong Biyernes ng umaga.

Sa report, binentahan umano ni PO3 Marquez ng droga ang poseur-buyer.

Nasamsam sa suspek ang limang pakete ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P25,000, at buy-bust money.

Sinasabing ang suspek ay kapatid ng barangay kagawad na tumatakbong konsehal ng Makati City, subalit wala pang inilalabas na kumpirmasyon ang pulisya.

Iniimbestigahan ang suspek at inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

-Bella Gamotea