HATAW si Arianne Vallestero sa kabuuan ng laro para sandigan ang Adamson sa 11-2 panalo kontra University of Santo Tomas nitong Martes para hilahin ang dominasyon sa UAAP sa siyam na sunod na taon sa isa pang impresibong panalo sa Season 81 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

NAHILA ng Adamson ang dominasyon sa UAAP softball sa siyam na sunod na season

NAHILA ng Adamson ang dominasyon sa UAAP softball sa siyam na sunod na season

Nakuha mula sa National University, tinampukan ni Vallestero ang collegiate career sa naitalang dalawang hits at tatlong runs para makamit ang titulo.

“Dito ko siya kailangan sa year na ito. Siya ang nagdala ng game na ito. Lahat ng individual awards halos kinuha niya,” pahayag ni coach Ana Santiago.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakamit ng Adamsona ng ika-18 softball title sa kabuuan.

“Sinabi niya sa akin, salamat sa din iyo ate Ana at nakaranas ako na maging champion sa UAAP,” aniya.

Tinanghal si Vallestero na season MVP bukod sa Best Hitter (.556), Best Slugger (.972) at Most RBIs (16). Nakisalo siya sa Most Homerun award kay ST’s Charlotte Sales sa nagawang tatlo at Most Stolen Bases sa kasanggang si Angelu Gabriel na may anim.

“Wala akong pressure. Hindi ako kinakabahan. Ini-enjoy ko lang. All out na rin ako,” sambit ni Vallestero.

Bukod naman sa nakamit na Finals MVP, tinanghal si Lyca Basa bilang Best Pitcher (1.167) sa ikalawang sunod na taon.

Tinapos ng Lady Falcons ang best-of-three series sa 2-0.