Walong pulis ang nasugatan at dalawang aarestuhin sana nila ang nasawi makaraang sumiklab ang bakbakan sa magkabilang panig sa Madamba, Lanao del Sur.

SHOOTOUT

Murder ang kasong kinahaharap ng dalawang napatay sa engkuwentro nitong Miyerkules ng gabi, ayon kay Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP).

Kinilala ni Banac ang mga sugatang pulis na sina Captains Gevero at Boglosa; Senior Master Sergeant Panitan, Staff Sergeants Olete at Cadano; Corporals Rosco at Masakal; at Patrolman Montallana.

Internasyonal

Embahada ng Pilipinas sa Korea, pinaiiwas mga Pilipino sa rally

Sinabi ni Banac na nawawala si Corporal Gilbert Males, at pinaniniwalaang binihag ito ng mga armadong suspek.

“The 55th Infantry Battalion of the Philippine Army and the Madamba local government unit have provided rescue teams to help search and recover the missing PNP personnel,” sabi ni Banac.

Aniya, bandang 11:30 ng gabi nang sumalakay ang sanib-puwersang mga operatiba ng mga lokal na pulisya at Lanao del Sur Police Provincial Office sa Barangay Tabaran sa Madamba, para isilbi ang arrest warrant.

Target ng warrant sa kasong murder sina Usop Malubay Abdulziz, Abdulaziz Macalatas Abombay, Zanodin Moro, Macaltas Ameril, Alican Macabuntal, at Usman Barating Macabuntal.

Hindi naman malinaw kung anong grupo ang kinaaaniban ng mga suspek.

Gayunman, pinaulanan umano ng mga bala ng mga armadong suspek ang mga pulis, ayon kay Banac.

“A patrol car used by operating troops was burned after being hit by an M203 grenade fired by the suspects,” sabi ni Banac.

Nang matapos ang bakbakan, nakumpirmang napatay sina Moro at Ameril, na nasamsaman ng dalawang

M16 rifle at isang M16 rifle na nakakabitan ng M203 grenade launcher.

-Aaron Recuenco