BY now ay alam na ng buong Pilipinas kung sino ang nagpapasaya sa buhay ng mahusay na aktor na si Arjo Atayde—si Maine Mendoza.

Arjo

At nang itanong ni Karla Estrada, nang mag-guest si Arjo sa Magandang Buhay, kung ano ang main (which she pronounced as Maine) reason why Arjo is so happy, batid na lahat ang magiging kasagutan ng aktor.

When one is in love, mahirap itong itago. Bakas ito sa aura ni Arjo at kitang-kita ito sa katauhan ni Arjo, aka Bagman.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Ngayon ko lang nakita si Kuya na super happy, inspired at super involved in a relationship,” sabi ng kapatid ni Arjo na si Gella Atayde.

Komento naman ng isa sa mga Magandang Buhay hosts na si Jolina Magdangal: “We don’t know the past love life ni Arjo, pero itong sa kasalukuyan, we are all happy for him at sana it will last forever.”

Sa maraming biyayang tinatanggap ng aktor ngayon, na maging si Arjo ay hindi makapaniwala, pinipilit niyang magkaroon ng time para sa kanyang pamilya.

“I may not be visible to them but they are always in my heart every single day. The demand for time is intense. But work is work and I have to be professional,” sabi ni Arjo.

Patuloy na umaani ng papuri si Arjo sa pagganap niya sa The General’s Daughter. Bida rin siya sa digital series na Bagman sa iWant, at may ipalalabas siyang movie with Jessy Mendiola, ang Stranded, sa Abril 10.

Walang humpay ang dating ng blessings kay Arjo—pero walang duda na ang biggest blessing niya ay ang pagdating ni Maine sa buhay niya.

-REMY UMEREZ