Inilunsad ngayong Miyerkules ng Department of Energy (DoE) ang "Save, Save, Save Summer 2019", upang gabayan ang publiko sa tamang pagkonsumo ng kuryente ngayong tag-init.

DOE_ONLINE

Sa energy tipid tips ng DoE, pinapayuhan ang publiko na gumamit ng inverter-type unit na air conditioning unit, i-set ang thermostat sa 25 degrees Celsius, at regular na linisin ang filters at condensers nito upang makatipid ng P100 kada buwan.

Gumamit ng 7W LED bulb at patayin ang ilaw kung hindi ginagamit, upang makatipid ng P12.50 bawat buwan; mas mainam din ang paggamit ng LPG stove sa halip na electric stove, para makatipid ng P234 sa buong buwan.

National

Sen. Bato, isiniwalat na nakiusap siyang dagdagan budget ng OVP: ‘Ayaw tayong pagbigyan!’

Sa pagbili ng refrigerator, piliin ang units na may high Energy Efficiency Factor (EEF), katulad ng inverter-type models, at makatitipid ng hanggang P180 bawat buwan.

Mas makatitipid din ang consumer sa LED TV Set (32"), at makapagtatabi ng P156 sa bawat buwan.

Hinikayat din ang publiko na iwasang gumamit ng water dispenser dahil malakas ito sa konsumo, na umaabot sa P890 bawat buwan.

-Bella Gamotea