HINDI lamang kay humihan, bagkus ang angking talento ang nakapukaw ng pansin ng madla kay Natalie Uy.
Sa kanyang pagsabak sa harap ng mga kababayan, naitala ng Filipino-American beauty ang bagong Philippine record sa women’s pole vault sa matagumpay na kampanya sa katatapos na 2019 Ayala Philippine Athletics Championship sa City of Ilagan sa Isabela.
Bunsod nang kahanga-hangang panalo na nagbigay sa 24-anyos ‘newest track darling’ ng slots sa National team na sasabak sa 30th Southeast Asian Games, nagkakaisa ang mga opisyal at miyenbro ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) na ipagkaloob kay U yang TOPS’ “Athlete of the Month” award.
Nalagpasan ni Uy, anak ni Henry na tubong Cebu, ang bar sa 4.12 meters sa kanyang unang pagtatangka, sapat para higitang ang 4.11 meter na record ni Deborah Samson may 11 taon na ang nakalilipas.
Kung pagbabatayan ang results sa nakalipas na edisyon ng SEAG sas Kuala Lumpur, Malaysia, sigurado na ang gintong medalya kay Uy. Ang defending champion na si Chayanesa Chomchuendee ng Thailand ay nakapagtala lamang ng 4.10m.
“Natalie’s success is a welcome news for Philippine sports, which need new heroes in time for the coming SEA Games late this year,” pahayag ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight.
Si Uy ang ikatlong atleta na pinarangalan ng TOPS – ang pinakabagong sports organisation na binubuo ng mga tabloids sports editors, reporter at photojournalists – matapos kilalanin sina boxing champion Manny Pacquiao (January) at swimming sensation Jasmine Mojdeh (February).
Kabilang sa kinonsidera ng TOPS sa parangal sina mixed martial arts champion Stephen Loman, boxers Michael Dasmariñas
Juan Miguel Elorde and Lito Dante, at chess prodigy Daniel Quizon at si Mojdeh, na muling nanalasa sa swimming pool sa Batang Pinoy.
Bukod sa pagbibigay ng parangal, aktibo ang TOPS sa ‘Usapang Sports’ forum tuwing Huwebes sa National Press Club sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at NPC.
Napapanood ang TOPS “Usapang Sports” sa Facebook live via Glitter Livestream.