NAPANOOD na nitong Lunes ang trailer ng pelikulang kinabibilangan ni Selena Gomez, na matagal nang hinihintay ng fans.
Ibinahagi ni Selena ang unang teaser trailer ng The Dead Don't Die, ang zombie comedy na tinatampukan niya kasama sina Austin Butler, Luka Sabbat, Bill Murray, Adam Driver, Tilda Swinton, at Chloë Sevigny sa New York, ayon sa ulat ng Elle.
"New film from Jim Jarmusch. June 14th—can’t wait. #TheDeadDontDie," post niya sa Instagram.
Ibinahagi rin ni Selena ang official poster ng film sa kanyang Instagram Story, ilang minuto matapos niyang i-post ang teaser:
Mula sa teaser footage, mukhang gagampanan ng singer-actress ang karakter ng ibang babae na concern biglang pag-atake ng zombie sa kanilang lugar. Ang karakter niya, si Zoe, ang tipo ng horror film heroine “who takes the outbreak more seriously than other people around her”.
Ito ang unang movie role ni Selena mula nang gampanan ang karakter ni Lisa sa historical film na In Dubious Battle noong 2016.