Mga laro sa Miyerkules
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. – UP vs UST (Men)
10 a.m. – FEU vs AdU (Men)
2 p.m. – UP vs UE (Women)
4 p.m. – FEU vs Ateneo (Women)
BUMAWI mula sa naging malamya nilang panimula ang defending 3-time champion De La Salle University para magantihan ang first round tormentor nilang University of Santo Tomas, 21-25, 25-23, 25-19, 26-24, at makaangat sa solong ikalawang puwesto ng UAAP Season 81 Women’s Volleyball Tournament kagabi sa MOA Arena.
Ang panalo ang ikalawang sunod ng Lady Spikers na nag-angat sa kanila sa markang 7-3, panalo-talo sa likod ng namumunong Ateneo de Manila University (8-1) habang ibinaba nila ang Tigresses sa ika-4 na puwesto sa barahang 6-4, panalo-talo.
Umiskor si team skipper Desiree Cheng ng 14 attacks at tig-3 blocks at aces para sa kabuuang 20 puntos upang pamunuan ang panalo.
Namuno naman sa natalong Tigresses si rookie Eya Laure na mayroon ding 20 puntos.
-Marivic Awitan