SUPER excited na si Kyline Alcantara sa trip niya sa New York sa May 9. Kasama siya sa pitong Kapuso stars na aalis para sa Studio 7 show sa Kings Theater sa Brooklyn New York sa May 11.
Makakasama ni Kyline sa biyahe pa-New York sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Betong Sumaya, Golden Cañedo, at Alden Richards.
“Second out of the country ko pa lang sa New York, dahil Singapore pa lang ang napuntahan ko,” pag-amin ni Kyline.
“Ang bongga ‘di ba? From Singapore, New York agad. Kaya super excited na ako, at nag-usap na kami ni Direk Mark Reyes na manonood kami ng Broadway plays,” kuwento pa ni Kyline.
Nine days sa New York sina Kyline kaya may time silang mamasyal, lalo na sina Kyline at Golden na first time sa New York.
Dahil medyo matagal sa ibang bansa, kung may taping pa si Kyline ng Inagaw Na Bituin, siguro naman ay aayusin ng production ng Afternoon Prime series ng GMA-7 ang kanyang schedule para hindi makaapekto sa taping.
Speaking of Inagaw Na Bituin, napanood na ang isa sa highlights ng serye at ‘yun ay nang mamatay si Melody (Melbelline Calauag), adoptive sister ni Elsa (Kyline). Considered na isa sa second lead si Melbelline, kaya nagulat ang viewers na pinatay ang karakter nito.
Ang sabi, kailangang patayin ang karakter ni Melody para maganda ang itakbo ng story, at magkaroon ng lakas ng loob si Elsa para husayan pa ang pagkanta, at para maghiganti sa pagkamatay ng kapatid.
Kahit mas drama ang Inagaw Na Bituin, masaya si Kyline na maging part ng serye dahil hindi lang siya umaarte, kumakanta pa siya, na love niyang gawin. Enjoy nga siya ‘pag eksenang kumakanta siya o kaya’y face off nila ni Therese Malvar.
Anyway, may tsikang favorite ng GMA-7 si Kyline, dahil tatlo ang regular shows niya ngayon sa network. Bukod sa Inagaw Na Bituin at Studio 7, may Sunday PinaSaya pa siya. Tapos, kasama siya sa Kapuso stars na dadalhin sa New York.
“I’m really thankful sa GMA-7, dahil ang tagal ko ring hinintay na pagkatiwalaan ako ng magagandang projects ng network, kaya masaya ako. Pero hindi naman dahil sa favorite nila ako. Ang ginagawa ko ay gawin ang best ko sa lahat ng trabaho ko at ang magpaka-professional,” sagot ni Kyline.
-NITZ MIRALLES