Huling paalam ni Dwyane sa New York, naging espesyal
NEW YORK (AP) — Sa kanyang huling tapak sa pamosong Madison Square Garden, siniguro ni Dwyane Wade na ispesyal ang bawat sandal.
Kumubra si Wade ng 16 puntos sa kanyang huling laro sa makasaysayang venue bago ang pagreretiro, habang kumana si Dion Waiters ng 28 puntos sa panalo ng Miami Heat kontra New York Knicks, 100-92, nitong Sabadon (Linggo sa Manila).
Naisalpak ni Wade, one-time MVP at two-time NBA champion, ang back-to-back basket para tampukan ang 8-0 run sa pagsisimula ng fourth period para ilayo ang Heat mula sa dikitang laban.
Tumapos si Hassan Whiteside na may 17 puntos at 13 rebounds para sa Heat, habang nag-ambag sina Kelly Olynyk ng 12 puntos at 11 rebounds at Goran Dragic na may 10 puntos at 10 assists.
Nakamit ng Heat ang ikaanim na panalo sa huling walong laro para patatagin ang kampanya sa NO.8 seeding sa Eastern Conference laban sa naghahabol ding Orlando Magic.
Nanguna si Emmanuel Mudiay sa Knicks sa naiskor na 24 puntos.
Bago ang laro, pinarangalan ng New York si Wade sa ipinalabas na video tribue. Naglaro si Wade ng 15 season bago inanunsiyo ang pagreretiro sa pagtatapos ng season.
PISTONS 99, BLAZERS 90
Sa Detroit, pinutol ng Pistons ang six-game winning streak ng Portland TrailBlazers.
Hataw si Reggie Jackson sa naiskor na 28 puntos, habang kumana si Andre Drummond ng 22 puntos at 19 rebounds, para magapi ang Blazers sa kabila ng pagkalawa ng leading scorer nilang si Blake Griffin.
Tangan ng Detroit ang kalahating larong bentahe sa Brooklyn Nets para sa No.6 seeding sa Eastern Conference.
Nanguna si Damian Lillard sa Portland sa naiskor na 23 puntos, habang tumipa si Enes Kanter ng 20 puntos at 15 rebounds sa Blazers na nakikipaglaban sa Houston Rockets para sa No.3 spot sa Western Conference playoff .
GRIZZLIES 120, SUNS 115
Sa Phoenix, ginapi ng Memphis Grizzlies, sa pangunguna ni Jonas Valanciunas na kumana ng career-high 34 puntos at 20 rebounds, ang Suns.
Nag-ambag si Mike Conley ng 33 puntos.
Nanguna sa Suns si Devin Booker na kumubra ng 48 puntos, tampok ang 24 sa first quarter kugn saan umabante ang Suns. Kinapos lamang ng dalawang puntos ang 22-anyos guard na maging ikalimang player sa kasaysayan ng NBA na nakaiskor ng 50 o higit pang puntps sa tatlong sunod na laro.
Naisalpak ni Valanciunas ang dalawang free throws para maitabla ang iskor sa 106, bago kumana si Conley ng three-pointer para patatagin ang bentahe sa Grizzlies.
RAPTORS 124, BULLS 101
Sa Chicago, naitala ni Serge Ibaka ang 23 puntos at 12 rebounds, habang kuman si Fred VanVleet ng 23 puntos sa panalo ng Toronto Raptors kontra Chicago Bulls.
Hindi nakalaro sa Raptors sina Kawhi Leonard at Pascal Siakam.
Umaksiyon si Marc Gasol na may 17 puntos, walong rebounds at anim na assists para sa ikatlong sunod na panalo ng Toronto.
Humingi ng paalam si Leonard sa management para sa personal na kadahilalan, habang ipinahinga si Siakam, may averaged 17 puntos.
Nanguna si Walt Lemon Jr., naglaro sa unang pagkakataon sa Bulls, sa natipang 19 puntos.
Tinamaan ng injury ang Bulls line-up mula kay rookie Wendell Carter Jr., hanggang kina Kris Dunn (mid-back strain), Lauri Markkanen (medical assessment), Zach LaVine (right thigh contusion) at Otto Porter Jr. (right shoulder strain).
SIXERS 118, WOLVES 109
Sa Minneapolis, nagbalik si Jimmy Butler sa dating koponan para pangunahan ang Philadelphia Sixers sa dominanteng panalo.
Kumana si Butler ng 12 puntos, habang nanguna si Tobias Harris na may 25 puntos para patatagin ang kapit ng Sixers sa No.3 slot sa east playoff.
Nag-ambag si Ben Simmons ng 20 puntos, 11 rebounds at siyam na assists.
Kumubra sa Wolves sina Andrew Wiggins na may 24 puntos at Karl-Anthony Towns na may 21 puntos.