KUNG walang magiging balakid, mapapalakas ng husto ng Team Philippines women’s basketball ang kampanya kasama ang tatlong Fil-American players na isasabak sa Southeast Asian Games sa Disyembre.
Kumpiyansa si National coach Pat Aquino, arkitekto sa makasaysayang five-peat at 80-0 winning run ng National University Lady Bulldogs sa UAAP, na makakamit ng bansa ang matagal nang minimithing gintong Medalya sa biennial meet na nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Dec. 11.
‘‘I don’t want to say that we’re strong. We fell victims to the breaks of the game in the last SEAG in Indonesia. We’re just going to prepare very hard and well to get back at our rivals,’’pahayag ni Aquino sa pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports nitong Huwebes sa National Press Club (NPC) sa Intramuros.
Mistulang tradisyunal na bridesmaid ang Pinay cagers sa kabiguang gnatamos sa mga nakalipas na edisyon ng biennial meet, kabilang ang 2017 edisyon sa kamay ng Indonesian.
Ayon kay Aquino , dalangin niya na makalaro sa PH Team sina Fil-Am Gabe Bade, Arnecia Hawkins, at Kelli Hayes.
Aniya, malaking tulong ang tatlo sa koponan na pinagbibidahan ni two-time UAAP MVP Jack Animan.
“Lagi po kaming kinakapos. This time, sa harap ng homecrowd hopefully mabreak na namin yung jinx,” sambit ni Animan, lalaro sa ikatlong SEA Games at ikalimang taon sa NU Lady Bulldogs.