Nasawi ang isang Korean nang tumalon umano sa Kawasan Falls sa Barangay Matutunao, Badian, Cebu.

KOREANO

Sa ulat ng Badian Municipal Police Station (BMPS), nakilala ang dayuhan na si Ssi Lee Jong Hyue, 31 anyos.

Sa report ni PO1 Odoname Saycon, tumalon ang biktima mula sa 2nd level ng Kawasan Falls, suot ang kanyang life jacket.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nahihirapan umanong huminga ng dayuhan nang umahon sa tubig.

Agad na isinugod si Lee sa ospital ngunit binawian din ito ng buhay.

Sinabi ng pulisya, dati nang inoperahan si Hyue sa baga walong taon na ang nakararaan.

Nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa South Korean Embassy kaugnay ng insidente.

Fer Taboy