BUMALIKWAS ang Ateneo de Manila sa malamyang simula laban sa archrival De La Salle nang pabagsakin ang league leader Far Eastern University, 4-1, sa pagsisimula ng second round sa UAAP Season 81 Men’s Football Tournament nitong Huwebed sa FEU Diliman field.

“I’m happy because of the character my players showed in this game. From a big loss in the last game of the first round (against La Salle), yun yung question kung paano ibabalik yung motivation ng mga players. I’m so happy dun sa pinakita nilang character today,” pahayag ni Ateneo coach Jay Pee Merida.

Hindi nawalan ng loob ang Blue Eagles pagkaraang maunahang umiskor ng Tamaraws mula sa goal ni midfielder Kim Minsu mula sa close range sa ika-11 minuto.

Matapos itabla ng Ateneo ang laro sa pamamagitan ng header ni Jacob Liao sa ika-29 minuto.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Hangad makasiguro ng panalo, ipinasok ni Merida ang star striker nilang si Jarvey Gayoso na siyang umayuda kay Jabez Setters sa ika-62 minuto bago nakaulit sa ika-73 minuto.

Ganap na sinelyuhan ng Blue Eagles ang panalo sa pamamagitan din ni Liao limang minuto matapos ang pangatlong goal ni Gayoso.

Dahil dito, mayroon ng natipong 13 puntos ang Ateneo kasalo ng University of the Philippines sa ikalawang puwesto.

Sa kabila ng kabiguan, nanatiling nangingibabaw ang Tamaraws na may 15 puntos.

-Marivic Awitan