Pansamantalang isasara bukas sa mga motorista ang Sevilla Bridge sa San Juan City.

CLOSED

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ganap na 10:00 ng gabi bukas, Marso 30, ay isasara ang nasabing tulay hanggang sa Linggo, Marso 31, 9:00 ng umaga.

Ito ay upang bigyang-daan ang paglilipat ng barges ng San Juan River Alignment, para sa Metro Manila Skyway Stage 3 Project.

Eleksyon

Wendell Ramos, pinuri matapos iurong ang kandidatura bilang konsehal

Samantala, isasara rin sa trapiko sa Lunes, Abril 1, ang bahagi ng Magallanes Interchange (upper level), ayon sa MMDA.

Sinabi ng MMDA na bahagi ito ng traffic management plan, na layuning tugunan ang problema sa trapiko at mga aksidente sa naturang lugar.

Ang kaliwang rampa ng Magallanes Interchange, mula sa Maynila hanggang sa Cubao, isasara ganap na 6:00 ng umaga.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa Magallanes Loop/Magallanes Village.

-Bella Gamotea