MAAARING magdulot ng mas tuyot at mainit na panahon ang pananalasa ng El Niño sa bansa ngayong Abril.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) posible ang “way-below normal rainfall” 26 na probinsiya at “below-normal rainfall” sa 57 probinsiya sa susunod na buwan.

Inaasahan ding 51 probinsiya o 61 porsiyento ng bansa ang matinding masasalanta ng tagtuyot bago magtapos ang Abril ngayong taon habang nasa 32 probinsiya ang makararanas ng dry spell.

“April is when we see severe impacts in terms of meteorological drought,” pahayag ni Analiza Solis, officer-in-charge ng PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section.

Night Owl

Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto

Ipinaliwanag ni Solis ang tagtuyot na namamarka ng tatlong buwang way-below normal rainfall o limang magkakasunod na buwang ng below-normal rainfall.

Sa kabilang banda, ang dry spell ay maaaring dalawang buwang way-below normal rainfall o tatlong buwan ng below-normal rainfall.

Sa talakayan na ginanap kamakailan sa Quezon City, pinaalalahanan ni Solis ang publiko para sa mararanasang init lalo’t sa pagtataya ng PAGASA mararanasan din sa susunod na buwan ang maximum temperature na 28.9 degree Celsius sa mga kabundukan ng Luzn hanggang 38.9°c sa mababang lugar ng Mindanao at 39.5 sa Hilagang Luzon.

“We’ll likely have a prolonged dry season,” aniya.

Ang maagang pagkawala ng northeast monsoon o ‘amihan’ ngayong taon at ang posibleng pagkaantala ng tag-ulan dahil sa El Nino ay nangangahulugang mahaharap ang bansa sa tagtuyot, ani Solis.

Inaasahan ng PAGASA na unti-unti nang huhupa ang tagtuyot pagpatak ng Mayo, bagamat “near-normal rainfall” pa rin ang mararanasan sa maraming bahagi ng Hilagang Luzon at Mindanao, ang possible itong maranasan ng Visayas at ibang bahagi ng Mindanao sa Hunyo.

PNA