ANG anak nina Sen. Manny Pacquaio at Jinkee Pacquiao na si Jimuel Pacquiao at ang Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo ang bagong lumantad na showbiz couple. Sa IG story nga ni Dyan Castillejo, ay sinabi nitong ipinakilala na ni Jimuel ang girlfriend.

Heaven at Jimuel copy

Sabi ng mga nakakita sa picture ng dalawa, bagay sina Jimuel at Heaven na matagal na raw may relasyon. Hindi lang sila makapag-out dahil may bini-build up na ka-love team para kay Heaven. Hindi lang daw nag-klik ang lalaking ipinareha kay Heaven, kaya puwede na silang umamin sa kanilang relasyon.

Pinuri ng netizens si Jimuel dahil kahit mayaman, mabait siyang tao. Well, lahat naman daw ng anak nina Sen. Manny at Jinkee ay mababait at hindi umaarteng mayayaman.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, mukhang magboboksing din si Jimuel, at may mga lumabas na video na lumalaban siya sa boksing at natalo pa nito ang nakalaban. Kaya ihanda na ni Heaven ang sarili sa takot at kaba kapag may laban si Jimuel, ‘yun ay kung magiging professional boxer siya gaya ng kanyang ama.

-Nitz Miralles