BINUKSAN kahapon ang ikalawang Athletes Nutrition Hall ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philsports dating Ultra sa Pasig City.
Pinasinayahan ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang Nutrition Hall na magagamit ng mga miyembro ng National team na nanunuluyan sa Philsports.
Nauna nang binuksan ang parehong Athletes Dinning area sa Rizal Memoprial Sports Complex sa Manila.
Ang nasabing Nutrition hall ay handa nang magsilbi sa mga national athletes at mga coaches kung saan tiyak na makukuha ang maayos at dekalidad na pagkain para sa kanilang paghahanda sa mga kompetisyon.
Dumaan sa isang nutrition assessment ang mga atleta na binigay mismo ng PSC Nutrition Unit pati na ang biometrics registration isang linggo bago pa man binuksan ang nasabing Nutrition hall.
“Our athletes deserves to be given the best and scientific nutrition for their specific sports, that is why we pushed the renovation of our canteens in both Rizal Memorial and PhilSports,” pahayag ni Ramirez.
-Annie Abad