NAPANATILI ni Juan Miguel Elorde ang kanyang WBO Asia Pacific super bantamweight title laban sa matibay na Hapones na si Shohei Kawashima sa duwelo na ikinasa nitong Lunes sa Okada Manila Hotel and Casino sa Paranaque City.

Sa pagwawagi, inaasahang mabibigyan ng pagkakataon ang 32-anyos na si Elorde sa world title bout sa magwawagi sa rematch nina WBO super bantamweight titlist Emmanuel Navarette at dating kampeong si Isaac Dogboe ng Ghana sa Mayo 11 sa Convention Center, Tucson, California sa United States.

Nakipagsabayan ang 27-anyos na si Kawashima kay Elorde ngunit nanaig pa rin ang Pinoy boxer sa mga iskor na 115-113, 117-111 at 117-111 kaya inaasahang aangat siya sa WBO rankings kung saan nakalista siyang No. 3 contender kay Navarette.

Nanaig din si Filipino-American Casey Morton sa 10-round split decision kay Chie Higano ng Japan para matamo ang WBO Asia Pacific Female flyweight title.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nagwagi rin si Juan Martin Elorde laban kay Rengga Rengga ng Indonesia via 3rd round stoppage kaya tiyak na babalik din siya sa world rankings.

-Gilbert Espeña