Walang atrasan sa SEAG hosting -- Cayetano
IGINIIT ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) chairman Allan Peter Cayetano na ang negatibong isyu hingil sa hosting ng 30th SEA Games ay bunga nang’internal problem’ na mismong ang mga sports officials lamang ang makakaresolba.
“Tayo na lang magresolve ng mga issues natin, pero ‘wag natin idamay ang sports tsaka ‘yung mga games at mga atleta,” pahayag ni Cayetano, patungol sa mga mga naglalabasang isyu na hindi matutuloy ang hosting ng SEAG.
“First of all, naka-set na po ang lahat. Halos 80 percent na rin ang natatapos sa mga ipnagawa nating venues sa Subic at Clark. Itong isyu na ito ay bunga lang ng ‘crab mentality’. Ayokong isipin na fake news ito dahil pag kausap ko yung opisyal itinatangi niyang may sinabi siya, Pero yung writer na nagsulat kilala rin naman nating hindi gagawa ng kabalbalan,” sambit ni Cayetano.
Umuusad ang paghahanda sa SEAG at sinabi ni Cayetano na mararamdaman ito ng sambayanan matapos ang halalan.
“Hindi pa tayo nagkakabit ng mga streamer kasi po matatabunan lang ng mga posters at tarpuline ng mga pulitiko alam naman natin eleksyon na,” aniya.
Sa kabila ng pagbibigay ng kasiguruhan, ikinalungkot pa rin ng mga miyembro ng National team ang posibilidad na hindi matuloy ang biennial meet sa bansa.
“Napakalaking kawalan po sa atin , syempre tourism wise, and para po sa exposure po ng mga atleta. D’yan po kasi tayo makakuha ng napakdaming points if we want to qualify po sa Olympics,” pahayag ng 2015 SEA Games cycling gold medalist Marella Salamat.
Hindi naman makatutulong sa atleta ang mga gusot at hidwaan ng mga sports officials, ayon kay 2017 SEAG gold winner karateka OJ delos Santos.
“I believe that our voices had to be heard. Because right now, all of the negative issues and stuffs like that would not do any good to us athletes,” aniya.
-Annie Abad