Sinalakay ang dalawang spa na umano’y nag-aalok ng extra service sa mga customer sa Las Piñas City, ngayong Linggo ng hatinggabi.

(MB Photo/JM Abcede)

(MB Photo/JM Abcede)

Labing-apat na indibiduwal, pitong lalaking massage therapists, limang babaeng massage therapists, isang manager at isang receptionist – ang inaresto sa magkahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Las Piñas City Police.

Ayon kay Colonel Simnar Gran, Las Piñas City Police chief, nag-ugat ang operasyon sa tip ng isang informant hinggil sa pagkakasangkot ng dalawang establisyemento sa prostitusyon.

Nag-aalok ng sexual services ang mga massage therapists ng dalawang spa, kapalit ng mas malaking bayad, ayon kay Gran.

National

Pagdagsa ng user activity, itinuturong dahilan sa ‘temporary interruption’ ng eGovPH App – DICT

Unang sinalakay ang “Forever Young Spa” sa Alab-Zapote Road, Barangay Pamplona Tres nitong Sabado, dakong 11:30 ng gabi. Sa operasyon, tatlong babaeng therapists ang inaresto.

Samantala, 11 pang indibiduwal ang dinampot sa “Lotus Spa” kung saan isinagawa ang panibagong pagsalakay nitong Linggo, dakong 1:15 ng madaling araw.

Matatagpuan ang spa sa Alab-Zapote Road, Bgy. Talon Uno.

Gayunman, ang may-ari ng spa ay nakatakas, nagsasagawa ng follow-up operation laban sa kanya.

Nakakulong ang mga inaresto sa Las Piñas City police station at mahaharap sa kaso sa paglabag sa Article 202 of the Revised Penal Code.

-Michelle Guillang